Sa totoo lang, karamihan sa mga napupukawan ng interes sa Indie Films ay yung mga may frustration na gumawa nito. Kudos para sa mga nakaranas nang gumawa nito. Nung first time ko, gusto ko nang itapon yung finished product. Don’t get me wrong; magaling yung mga artista ko. Motivated silang umarte dahil bukod sa malaking incentive para sa napakahirap naming subject na walang kinalaman sa films, ako naman ang bahala sa kwento, shooting, post prod, at cinematography… pero sa kwento palang, olats nako. Walang nagturo sakin, feeling ko tuloy madali lang.
So hayan, sabay-sabay tayong matuto. May gusto ka bang ikwento? Kahit ikaw man ang gagawa ng Indie film, o kung staff ka ng isang prodTol, here in The Indie Culture, there are no rules, only consequences. So, let’s make good, awesome things happen!
Lesson number 1: sa paghahanda ng sarili, bawal mayabang
Tingin ko malinaw yan. Oo, dapat number one yan, dahil malayo man ang marating mo sa paggawa ng Indie Films, or forever kang maging nerd sa Indie Movies Industry, bawal ang bad vibes! Napanood mo na ba yung “Ang Babae sa Septic Tank”? naalala mo yung direktor dun na mayabang? kadiri diba? Kung hindi mo pa napapanood yun, lesson number two’s for you.
Lesson number 2: make a list of local and International must-watch Indie films
This is what distinguishes film-makers from dreamers. Dreamers dream of what they can become. Ang mga malakas ang loob na seseryosohin ang Indie film-making ay gumagawa ng mga hakbang para kilalanin ang mundong nais galawan. Bago ka gumawa ng kwento, o habang gumagawa ka ng script, mas magandang nakapanood ka na ng maraming films na makakatulong magvisualize ng kwentong iyong sinusulat sa utak mo. Marami kang matututunan mula sa iba’t ibang klaseng pelikula. Nandiyan ang mga narrative films, documentaries, at animations. Meron ding horror at comedy. Hindi dahil Independently produced, may limitasyon. Hindi kailangang memorize mo ang mga gumagawa ng pelikula, ngunit hangga’t maaari, tandaan sila lalo na kung nagustuhan mo ang kanilang obra.
Lesson number 3: Sa tuwing manonood ng pelikula, Indie man o hindi, pansinin ang lahat ng kayang pansining detalye.
Kung hindi mo feel gawin to, ayus lang. May purpose ang mga talentado sa ganito. Usually, sila ang mga nagiging line producer sa mga pelikula. Tingnan mo kung saan nakalagay yung camera. Imagine what’s behind that scene. Notice the props, the lights, the location and the transition from one scene to another. Define lahat ng pwede. Opt out the “pintasera” effect, kahit magaling ka, kung pintasera ka, mag-iingat ka sa karma lalo na mula sa staff na nagtitimpla ng kape mo. Going back, masayang maging line producer sa Indie films, dahil matututo kang maging jack-of-all-trades bago ka pa man masabak sa isang specific role.
Lesson number 4: know the jargons
maraming jargons sa filmmaking, ngunit sa Indie, iilan lang naman talaga ang gamit na gamit. Hindi naman dahil alam mo ang lahat ng jargons, magaling kanang director or filmmaker. Sa article na ito, may nabanggit nakong iilang jargons na makakatulong sa’yo.
- cinematography : techniques sa pagshoshoot at pagdedevelop ng film. kung umaatend ka ng mga seminars on cinematography, may kanya-kanyang definition ang mga experts sa ganyan. However, kung di mo pa afford ang mga ganoong workshops, eh i-visualize mo nalang kung anung gusto mong makita sa isang eksena tapos humawak ka ng camera at alamin mo kung saang anggulo mo ilalagay yung camera para makuhanan ang eksaktong kalalabasan ng eksena. Sa paggawa ng Indie films, aminado akong practice was one of my first teachers. Pero siyempre later on, kapag nagcover ang The Indie Culture ng mga workshops at may ifineature na mga pro, malamang ay marami pa tayong matututunan.
- Pre production : lahat ng paghahanda, mula sa pagsusulat ng kwento, ng script, paghahagilap ng characters, pagdrawing ng story board (na pwedeng wala), pagchecheck ng location, paghahanap ng sponsors at pera, mga meeting at paghahanda ng lahat lahat ng props ay kabilang sa pre productions. Nung dati’y nagbabalak kaming gumawa ng Indie film ng mga retarded founders ng The Indie Culture, at ang pre productions namin ay palaging TMI (tara mag-inom!).
- Production : sa teatro, ang production ay ang actwal na pagse-stage ng kanilang palabas. Sa konteksto naman ng films, ito na yung lahat ng nangyayari habang nagshoshooting. Pumili ng magandang camera.
- Post Production : paborito kong bahagi kapag ako ang direktor. Hindi man maganda ang materyales ko para sa post prod, tuwang tuwa ako nung unang beses akong nakatapos ng Indie film post prod on my own. Pumili ka ng magandang video-editing software, at nakakaguilty man para sakin, mag-invest ka na dun sa hindi dinownload sa torrent. Siyempre yung mga gumagawa ng animations, next level yung mga gamit nila. Eto lang muna yung simple. Laging magsisimula sa simple diba?
- direk : awkward gamitin pag kaibigan mo ang direktor pero kailangan dahil nagseset ito ng working mood para sa lahat. Ugaliing itawag ito sa inyong direktor; swerte mo nalang kung ang direktor ay hindi malaki ang ulo.
- line producer : nabanggit ko na yata ito kanina, basta lahat ng kailangang i-manage na wala nang oras busisiin ng direktor ay dapat nakacentralize sa line producer. Pero siyempre dapat alam niya kung anong gusto ng director.
- scriptwriter : the name itself is a definition. Mahalaga siya kahit sa mismong productions dahil itong lahat ay hindi posible kung wala ang kwento niya. May mga nababalitaan akong at the end of the day depende parin sa direktor ang flow ng kwento, ngunit sa aking pagsisimula sa Indie film industry napansin kong ang mga nakatrabaho ko ay may malaking paggalang sa perspektibo ng writer. Dahil dito kaya na-inspire akong maging bahagi ng The Indie Culture. Siguro hindi sa lahat ng oras ito ang nangyayari pero saludo ako sa mga direktor na kayang gumawa ng kalidad na pelikula without compromising the writer’s perspective.
- location : isang hindi-jologs na term na pwedeng gamitin sa halip na magtanong ng ganito: “direk, saan ang lugar na pagshushutingan?”
Lesson number 5: check your heart
Kahit anong role mo sa production team, ikaw ay mahalaga. Kaya huwag bababa ang self-esteem mo if ever maging production staff ka lang at tingin mo dapat ay artista ka. Hinahangaan ko ang mga nakatrabaho ko sa production team namin na walang sweldo ngunit dinaig pa ang masipag. Ultimo sobrang init na ilaw ay hinahawakan sa buong eksena nang nakatayo sa silya at nakataas ang kamay. Bawal gumalaw. Passion talaga ang pagpasok sa ganitong industriya. Sa iba stepping stone; o sige, pwede narin.
Napaka-motherhood statements ang mga una kong natutunan. Abangan niyo yung susunod na article, pagkwentuhan natin yung mga magagandang uri ng kamera kasi hindi pako pamilyar sa mga ganun, o kaya naman mga video editing software at kung anu-ano pa. Samahan niyo akong matuto hanggang sa magkita-kita tayo sa mga bigating film festivals locally and internationally. Walang atrasan to, okay?














